LTFRB magbibigay ng special bus permit para sa Semana Santa

INANUNSYO ngayon, Abril 5 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tatanggap sila special permit applications sa mga kompanya ng bus sa Metro Manila na nagnanais na bumiyahe sa probinsya sa darating na Semana Santa.

Ayon kay Atty. Manuel Iway,  board member ng LTFRB, kinakailangang magsumite ang city buses ng kanilang applications habang maaga pa lang upang hindi magkukumahog sa pagkuha ng kanilang special permits.

Ipinaliwang ni Atty. Iway na ang  special permit babayaran ng halagang P250 per unit.

Nilinaw pa ni Iway na bago makuha ng permit, kailangan munang suriin ng LTFRB ang kondisyon ng buses at terminal para matiyak na ligtas ang mga pasahero sa kanilang biyahe.

Magpapakalat ang LTFRB ng kanilang personnel para mag-check ng mga pasilidad sa iba’t ibang  bus terminals. Kabilang sa iinspeksyunin ang mga comfort room.

Bukod dito ang Land Transportation Office (LTO) ay magpapakalat din ng kanilang traffic enforcers para magbantay sa lansangan sa buong panahon ng Semana Santa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply