LTO nagbabawas na ng utang

KINUMPIRMA kahapon, Abril 20, ni Land Transportation Office (LTO) OIC Raquel Desiderio na nagbabayad na sila ng utang na computer fees sa IT provider nitong Stradcom Corporation.

Sa isang panayam, sinabi ni Desiderio na naunang binayad ng LTO ang P240 Milyon na dumeretso sa kaban ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang bayad sa buwis hinggil dito.

Ayon kay Desiderio, bago magbakasyon si LTO Chief Virgie Torres ay nilagdaan nito ang pagbabayad ng utang sa Stradcom.

Magugunitang sinampahan ng kaso ng Stradcom sa Ombudsman si Torres dahil sa hindi pagbabayad sa kanila ng P1 Bilyon halaga ng computer fees sa kumpanya mula nang pumutok ang balitang dalawang kumpanya ang nag-aangkin sa Stradcom noong Disyembre 2010. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply