Lucy Torres may ginintuang puso sa may breast cancer

DITO ko nakita ‘yung power… ‘yung magagawang tulong ng ibang tao kaya nagpapasalamat naman ako na may mga taong tumutulong sa akin tulad ni Cong. Lucy Torres –Gomez. Alam niya ‘yung pinagdadaanan ng nanay ko,nagulat na lang ako ,nag-text sa akin ‘yung . E.P. namin sa TV5  na i-meet  ko raw siya dahil may ipinadalang tulong si Ms. Lucy na malaking halaga na pantulong sa nanay ko.

Malaki talaga ang naitutulong ng mga taong ganun. “Tapos sa  6Cyclemind na libreng tutugtog sa April 5, ang Magic 89.9 Boys Night  Out na libreng iho-host ‘yun pati na ang Ice Band.

Manonood din daw ang mga friends ko at friends ng nanay ko “Dati puro banda lang pero ngayon sa  ‘Cleavage Night Part 3,” may nude body painting ang Mocha Girls at welcome pati hotographers. Ang tickets ay nagkakahalaga ng P600, plus one drink.  Pipintahan ng artist ang atawan ko kasama sina Jhane at Mae  kaya makikita nila sa stage  na lalabas ako na naka-nude pero nakapinta  para sa breast cancer awareness. Meron ding free breast exam sa mga babae dun na gustong magpaturo at  magpakapa,may doctor kaming invited .Oncologist ang titingin sa boobs nila,” sey pa  niya.

“Nagpapasalamat ako dahil nakakaraos naman ako dahil sa tulong ng mga tao. Ginagawa ko ito para kay Mama. Talagang dito mo makikita ang tulong ng mga tao kasi hindi kaya ito ng isang tao lang na pagdaanan. Masaya naman ako na may mga taong ginintuang puso,” bulalas pa niya.

Nagpapasalamat din si Mocha sa suporta  sa kanyang event  gaya ng  Rhino Herbal  Tea, Playboy Fragrances, Dr. Jancen, Mini Cooper Club, Sundari, Ideal Vision,  Tony & Guy Salon, Royal Entertainment Production, Brady Advertising, Yellow Tail  Wine at Iflick Photo Booth. Suportahan natin ang show ng Mocha Girls sa  April 5.

Sa likod ng hiyaw at sayaw: Mocha Girls kayod-kalabaw

MAG-I-ENJOY ka na, makakatulong ka pa sa  gagawing show ng Mocha Girls  entitled ‘Cleavage Night Part 3’ sa Mugen Bar, Metrowalk sa April 5 na naglalayong makalikom ng P250,000 para sa Chemotherapy for 2 months ng ina ni Mocha.

“Matatapos na ang Chemotherapy niya sa June .Tapos na rin ang kanyang radiation  therapy  kaya kailangan ko ulit gumawa ng fundraising show para sa kanya. Sino ba naman ang puwedeng mag-fundraising sa kanya kundi ako, ‘yung anak niya,” tsika ni Mocha Uson  na malungkot habang pinag-uusapan ang sakit ng mother niya.

“Dalawa  sa kasabay niya na  nagki-chemotherapy ay pumanaw na .Ang  advise sa  akin ay dapat ay agresibo ako sa pag-alaaga sa  nanay ko. Kung titingnan ko ang situwasyon na ito ay dapat ay agresibo kasi hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Ang cancer kasi, one year na chemo ‘yun at radiation and then mag-whole body PET/CT scan ka. Kapag hindi kumalat suwerte ka, pero pag kumalat, magki-chemotherapy ka ulit  mula sa umpisa.

“Tinanggal na  kasi ‘yung isang breast niya tapos  nagra-radiation therapy kaya naaagnas na rin,” kuwento niya.

Pinaghahandaan  ba niya kung anuman ang mangyari?

“Oo.Pero ang advise sa akin ng mga friends ko na merong pamilya na may kanser,  ‘wag ko raw tingnan na ito ang mangyayari in the future pero tingnan ko lang ‘yung today..ngayong araw na ito kung ano ang magagawa ko.Huwag mo na raw tingnan ‘yung bukas, next week, bukas..ngayon ‘yung importante.”

Dahil sa  breast cancer ng nanay niya, aware din siya ngayon para sa sarili  niya?

“Regular akong nagbi-breast exam, regular kong kinakapa ang boobs ko.Kung may bukol and once -a -year ako na nagpapa-ultra sound. Basta regular akong nagpapatingin sa doctor ng nanay ko.”

2.5 M PANGGAMOT SA ISANG TAON

Paano niya tinatanggap ang pinagdadaanan niya ngayon?

“Nu’ng una ay masakit kasi nag-iisa na lang na magulang naming at hindi pa stable ‘yung mga kapatid ko. Tatlo kami , ‘yung bunso ay college pa lang, ‘yung pangalawa, nagti-training pa lang sa ospital at may asawa siya.Ako ‘yung panganay.

“Siyempre, mahirap, e, kaya lang hangga’t may buhay , may pag-asa sabi nga. “At saka  kung ‘yung mother ko nga na mismong may sakit , mismong tinanggalan ng  breast, mismong  pinapasukan ng gamot na nakakamatay sa lahat ng cancer cells,e,kinakaya niya . Siya na nga ‘yung may sakit, dapat mas lalo akong maging matapang. So, dun ko kinukuha ang lakas ko sa mother ko dahil siya na ‘yung may sakit at siya ‘yung lumalaban. Kaya pin-promise ko sa kanya na kasama siya laban na ito at gagawin ko lahat na ma-raise ‘yung cancer awareness lalo na sa mga babae lalo na sa mga batang babae.

Ano ang suportang nakukuha niya sa mga kagrupo niya sa Mocha Girls gaya nina Jhane Santiaguel at  Mae dela Cerna? “Eto nga, gaya itong fund raising show ko, tinutulungan nila ako dito , sa mga performance namin at pagbebenta ng tikets sa mga kaibigan nila at saka moral support.Pag kailangan ko sila, nandiyan sila,” saad niya.

Aminado si Mocha na magastos ang may kanser sa pamilya kaya nagpapasalamat siya  sa mga tumutulong sa kanya.

“Hindi talaga kaya ng isang tao o isang pamilya lang. Ako nga, hindi pa ako  nakakakita ng ganitong kalaking halaga na one million, two million. Ang  kailangang gastusin namin sa mama ko ay 2.5 M, one year lang ‘yun. ‘Yung iba nga inuutang pa sa bangko ‘yan tapos payable in ten years pero eto kailangan namin ito for her chemotheraphy. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply