Lumalalang gutom at lumalalang korapsyon

NGAYONG nauuso ang gutom, bigla nating naalaala ang korapsyon at depisit o kakulangan ng pambansang badyet sa repablik ni Juan.

Nasiyak umano si PNoy sa sarbey ng Social Weather Station na dumarami ang nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan. Hindi siya makapaniwalang habang nagtatagal at mag-iisang taon na siya sa Palasyo, eh, dumarami ang nagugutom.

Hindi umubra ang orasyon niya noong nakaraang halalan at inagurasyon niya na “kung walang korap, walang mahirap.”

oOo

Ano nga ba ang nangyayari at palala nang palala ang pagkalam ng sikmura ni Juan?

Ah, merong malinaw na dahilan. Binubusog at binubundat ni PNoy at ng kanyang mga tsuwariwap ang mga malalaking negosyante.

Kung hindi nila sasabihin na wala silang magagawa sa mga pinaggagawa ng mga negosyante, aprub nang aprub naman sila sa mga gusto ng mga ito.

Por eksampol, hindi ba nakapakong ekspresyon nila ang “wala kaming magagawa” sa pagtataas ng presyo o oil price hike ng mga kompanyang langis? At hindi ba nila madaling inaaprubahan ang pagtataas ng toll ng mga may konsesyon o operator ng mga superhaywey?

…At ang oil price hike at toll hike ang kitang-kita na pinagmumulan ng paghihirap at gutom
ni Juan.

Intiendes, Mr. President at mga tsuwariwap ninyo?

oOo

Mr. President, meron pang nakatatakot na nagaganap.

Gaano katotoo ang tsismis na dinaan sa P10  milyong pork barrel ang pagboto sa Kamara ng mga kongresman laban kay Manang Merci?

At bakit iniaalok ng Palasyo ang pork barrel sa katulad ni Senator Ping na alerjik dito dahil ito’y parang masamang bunga sa paraiso?

Sagot! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply