Luzon, Mindanao inuga ng apat na lindol

APAT mahihinang pagyanig kanilang umaga ang umuga sa ilang parte ng bansa ayon sa Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs na ang unang lindol ay may 4.1 magnitude, na tumama sa  251 kilometro silangan ng Mati city, Davao Oriental, dakong alas 3:53 a.m.

Ang lindol ay tectonic origin at may mababaw na lalim na 3 kilometro lamang.

Ang paangalawa namang lindol ay tumama 47 kilometro kanluran ng Tabuk sa Kalinga-Apayao dakong alas 5:44 am at ito ay 2.5 magnitude, payahag ng Phivolcs. Ang tectonic quake ay may lalim na 33 kilometro.

Pasado alas 5:56 a.m., isa pang lindol na ang epicenter ay nasa 93 kilometro kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro, ay nairehistro sa lakas na 3.6 magnitude at may lalim na 12 kilometro lamang.

Isa pa ulit na lindol na may lakas na 3.1, ang tumama sa parehong probinsiya dakong alas 7:24 a.m. at ang epicenter nito ay nasa 48 kilometro hilagang kanluran ng Mamburao.

Wala namang iniulat na nasaktan habang wala namang inaasahang aftershocks ang magaganap, dagdag pa ng  Phivolcs. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply