M Bolts kinuryente ang Smart Gilas

MAGANDANG pamamaalam ang iniwan ng Meralco Bolts sa ultimong pagsabak nila sa PBA Commissioner’s Cup ng itinala nila ang ikatlong panalo sa siyam na schedule na laro laban sa 6 talo sa Phoenix Fuel out of town game sa Tacloban Convention Center.

Ibinigay ng B-Boys sa Smart-Gilas ang ikalawang talo sa overtime game, 91-87. Ang Nationals na nakapasok na sa semi-finals kasama ng Talk ‘N Text ay unang tinalo ng B-Meg Derby Ace noong Marso 23 sa iskor na 98-90 sa isa ring overtime game sa Araneta Coliseum.

Tuluyang isinara ng Nationals ang elimination round tangan ang 7-2 win loss slate kasunod ng Tropang Texters 7-1 habang 3-6 ang record ng Meralco.

Samantala, inaasam ng Air21 Express na makuha ang playoff game laban sa panlimang pwestong Rain or Shine (4-4) sa natitira nilang laro ngayong hapon kontra sa napatalsik na Powerade Tigers (2-6) sa pinal nilang laban sa Abril 6, Miyerkules kontra nasa ikatlong pwestong Alaska Aces na tangan ang 5-3.

Sa main game, nagbabakbakan pa ang top semifinalists Talk ‘N Text at ang third place sa 10 team standings na Ginebra San Miguel (5-3).

Sa pagkatalo ng Nationals ay maraming sinayang na free throws ang 6’11 na si Marcus Douthit subalit nakapuntos pa rin siya ng 14 kumpara sa 21 ni Bolts import Champ Oguchi at 16 ni
Solomon Mercado.

Unang nakapasok sa top 2 ang Talk ‘n Text at Smart Gilas habang nakasunod ang tatlo na Alaska Aces, Ginebra Gin King at Rain or Shine habang naghihintay pa ang Air21 Express sa pagsasara ng elimination game sa Miyerkules. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply