Mababang piyansa hirit ni Mendoza sa pagsuko

MAKARAANG sumuko sa Department of Justice (DOJ) si Senior Police Officer 2 (SPO2) Gregorio Mendoza, ang kapatid ng napatay na hostage-taker sa Quirino Grandstand hostage-taking incident na si Senior Inspector Rolando Mendoza hiniling nito na babaan ang piyansang inilan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kaninang umaga ay sumuko kay Justice Secretary Leila de Lima si Mendoza matapos magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya si Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Alberto Tenorio Jr. dahil sa kabiguang dumalo sa mga pagdinig sa kasong conspiracy to commit serious illegal detention kaugnay pa rin ng nasabing hostage-taking incident.

Hiniling ni Mendoza sa Manila RTC na maibaba sa P50,000 ang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya makaraang sabihin ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Mendoza, na hindi nila kayang bayaran ang P200,000 piyansa na itinakda ni Judge Tenorio.

Pansamantalang mananatili si Mendoza sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) hangga’t hindi ito nakakapagpiyansa.

Magugunitang nagpalabas ng warrant of arrest si Tenorio laban kay Mendoza dahil sa pagkabigo niyang dumalo sa mga pagdinig.

Matatandaang kinasuhan si Mendoza dahil sa alegasyong nakipagsabwatan siya sa kanyang kapatid sa pangho-hostage na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals. Girlie Raoet

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply