Malaking multa sa lalabag sa wage rate law

MAGMUMULTA ng malaki ang  mga negosyanteng lalabag sa wage rate law, ito ang pahayag Linggo, Abril 17, ng isang mambabatas.

Ayon kay Rep. Ben Evardone (Lone District, Eastern Samar), sa ilalim ng House Bill 1889, ang mga negosyanteng hindi magpapasweldo ng tamang minimum wage ay pagbabayarin ng P100,000.

Layunin ng nasabing bill na amyendahan ang Republic Act 6727 o Wage Rationalization Law, kung saan may pataw na P25,000 ang mga lalabag.

Sa nasabing bill, ang mga nagkasalang kumpanya ay magbabayad din ng moral damages na hindi lalampas sa P30,000 sa bawat apektadong manggagawa liban pa sa bayad sa litigasyon at attorney’s fees.

Ani Evardone, sa 19,539 business establishments na ininspeksyon kamakailan ng Department of Labor and Employment (Dole),ay may 3,660 ang hindi nagpapatupad ng minimum wage law.

Gayunman, umabot naman sa 15,879 kumpanya o 81 percent ng mga ininspeksyong establisimyento ang sumusunod sa minimum wage law.

Ayon sa pag-aaral, may 800,000 ang business establishments sa bansa na may mga empleyadong 6.5 million.

Ani Evardone, malaki ang maitutulong ng minimum wage law upang mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawang Filipino kung maipatutupad ito.

“Hindi sapat ang kinikita ng mga manggagawa para bayaran ang kanilang pangunahing pangangailangang pagkain, damit, house rental at iba pa,” ani Evardone.

“Gayunman, kung mahigpit na ipinatutupad ng mga kumpanya at iba pang establisimyento ang minimum wage rate, malaking tulong din ito sa mga manggagawa.” Nenet L. Villafania

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply