Lolo na madaya sa tagay kinatay

PATAY ang 65-anyos na lolo matapos pagtatagain ng kanyang kainuman dahil sa dayaan umano sa tagay sa Teresa, Rizal.

Kinilala ni Teresa chief of police, P/Sr. Insp. Marcelino Pipo, ang biktima na si Wilfredo Magbanua, 65, ng Sitio Caingin, Barangay Dulumbayan, nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-sais ng gabi sa nasabing lugar, kung saan ay masayang nag-iinuman ang dalawa.

Nang medyo lasing na ang dalawa, napuna ng suspek na dinadaya siya ng biktima sa tagay kung kaya kinompronta niya ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito na bumunot ng itak ang suspek saka tinaga sa leeg ang nabiglang biktima bago sinundan ng sunud-sunod pang pagtaga.

Tumakas naman patungo sa kabundukan ang suspek na si Niko Baltazar, nahaharap sa kasong murder. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply