Mag-asawa timbog sa droga

NASAKOTE ng awtoridad ang mag-asawa dahil sa pag-iingat ng iligal na droga Martes ng gabi sa Pasay City.

Batay sa report kaninang umaga ni Chief Inspector Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), ang mga suspek ay nadakip dakong-8:30 ng Martes ng gabi sa kanilang bahay sa Goquilay St., ng naturang lungsod.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Ferdinand “Ferdie” Ocampo at Eva Ocampo.

Ayon sa ulat, ang mag-asawa ay naaresto sa bisa ng search warrant na inilabas ni Pasay City Judge Pedro Corrales of Regional Trial Court Branch 118.

Ang mag-asawa ay napaulat na talamak na nagbebenta ng droga sa iba’t-ibang bahagi ng barangay sa nabanggit na lungsod at nagsagawa ng pagmamanman ang mga awtoridad kaugnay sa iligal na operasyon ng mga suspek.

Sa ginawang paghahaluhog, nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit kumulang 15-gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride mas kilala sa tawag na shabu o “bato”.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pasay City Police at iniimbestigahan upang mabatid ang pinagkukunan ng droga. Sasampahan ng kasong paglabag sa anti-drug law ang mag-asawa. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply