Mag-asawang Ligot malalagot – Guingona

MALAPIT nang malagot dahil sa pagsisinungaling sina dating military comptroller Lt. Gen. Jacinto Ligot at asawa nitong si Erlinda matapos ibalik ng pamahalaan ng Estados Unidos ang $132,000 o tinatayang aabot sa P5.6-milyon halaga ng ari-arian sa Pilipinas.

Ganito ang pakiwari ni Sen. Teofisto Guingona III matapos ibalik sa pamahalaan ang naturang ari-arian.

May susunod pa umanong kukumpiskahin ang United States na ari-arian ng mag-asawang Ligot sa naturang bansa, alinsunod sa ilalim ng Mutual Legal Assistance Treaty.

Ayon kay Guingona, pinatutunayan lamang sa pagbabalik ng ari-arian ni Mrs. Ligot ang mahigpit na pakikipagtulungan ng US laban sa mga money launderer.

“Yung pag-turn over, I would suppose, is a result of international coordination and international cooperation. The world is getting smaller and smaller as far as money launderers are concerned,” ani Guingona.

Mismong si US Ambassador Harry Thomas Jr. ang nagsauli ng pera sa tanggapan ng Department of Justice sa Maynila nitong Huwebes ng umaga, April 7, 2011.

Kasabay nito, sinabi pa ng chairman ng Senate blue ribbon committee na ipapatawag sa susunod na pagdinig ng komite ang mga bangko na pinagdeposituhan ng P740 milyon ng mag-asawang Ligot.

“All the banks involved in the Ligot and the Garcia will have to be called and asked why there has certain loopholes in the banking laws and why do these things still happens despite of these laws,” paliwanag ni Guingona. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply