Mag-ina inanod sa ilog, paslit patay

NAMATAY ang isang apat-na-taong gulang habang nawawala pa ang ina nito matapos silang tangayin ng malakas na agos sa isang ilog sa General Santos City Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame nitong, Sabado, tumatawid ang mag-ina sa ilog sa Barangay Upper Labay nang tangayin sila ng malakas na agos.

Nabatid na lumusong sa ilog ang mag-inang Josephine  Dizon, 37, at ang anak nitong si Jimby patungo sa kanilang bahay nang biglang mahagip ang dalawa ng nabuwal na puno ng saging dahilan upang mahulog ang mga ito sa ilog at anurin.

Natagpuan kaninang umaga ang bangkay ng bata sa isang sapa sa Barangay Tinagacan, subalit ang ina nito ay hindi pa rin nakikita.

Nakaranas ang ilang barangay ng nasabing siyudad noong Sabado ng gabi kaya’t binaha ang mga ito. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply