Mag-ina inanod sa ilog, paslit patay

NAMATAY ang isang apat na taong gulang habang nawawala pa ina nito matapos na sila ay tangayin ng kanyang anak ng malakas na agos sa isang ilog sa General Santos City Linggo ng umaga, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kahapon, Sabado, tumatawid ang mag-ina sa ilog sa Barangay Upper Labay nang tangayin sila ng malakas na agos.

Nabatid na lumusong sa ilog ang mag-inang Josephine  Dizon, 37, at ang anak na apat na taong gulang na si Jimby para umuwi sa kanilang bahay ng biglang mahagip ng nabuwal na puno ng saging dahilan upang nawalan sila ng kontrol at mahulog sa ilog at anudin.

Natagpuan kaninang umaga ang bangkay ng bata  sa isang sapa sa Barangay Tinagacan subalit ang ina nito ay hindi pa rin makita.

Nangyari ang pagkaanod ng mag-ina dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan sa GenSan kagabi kung saan ilang barangay din ang binaha.Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply