Mag-ina pisak sa bus sa Pasay

PISAK ang mag-ina makaraang masagasaan ng isang pampasaherong bus sa Pasay City, Miyerkules ng gabi, Abril 13.

Ayon sa report ng Pasay City police traffic sector, namatay ang inang si Amelia Caribo, 40, at ang kanyang anak na si Alexander, 7.

Nabatid sa report ng dzBB, naganap ang insidente sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Taft Avenue bandang 10 p.m.

Agad namatay si Alexander habang naitakbo pa sa pinakamalapit na hospital ang ina.

Napag-alamang tumatawid ang mag-ina sa kanto ng EDSA at Taft Avenue nang banggain sila ng Genesis bus na minamaneho ni Rodrigo Pagulayan.

Inamin naman ni Pagulayan sa pulisya na hindi niya kaagad nakita ang mag-ina dahil sa madilim ang naturang lugar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply