Mag-ingat sa mga puyat at pagod na drivers

NAGSIMULA na ang Holy Week kahit na mahigit pang isang linggo bago ito ganap na ipagngingilin ng lahat ng mga Katoliko at Aglipay.

Kahit pumunta kayo sa mga simbahan, mga Bro, nagsimula na ang mga preparasyon sa mga senakulo at ang mga nobena ay nagsimula na rin.

May mga naglalakad-lakad na sa mga kalsada na nakapasan ng krus at binabato pa nga ng mga nadadaanan nila.

Ah, oo, may nambabato rin sa mga maiingay na simbahan sa pagkakaroon ng mga malalakas na sound system lalo na sa mga lugar na may nag-iinuman at hindi naniniwala sa Holy Week.

Pero itong mga gustong kumita sa biyahe ng libo-libong ka-Bro na lalahok sa Semana Santa ang nasa isip natin. Marami sa kanila ang nagsimulang magpuyat at magpagod sa pagmamaneho, pagkokonduktor, paghe-helper at pagmemekaniko.

Sila ang buhay ng ating mga ka-Bro sa lansangan.

Kung pumalya ang mga ito, disgrasya ang aabutin ng mga gustong magpakabanal at makikipag-reunion sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Sa kanilang pagpupuyat at pagpapagod para lang makarami sa kita, marami ang nakatutulog sa biyahe habang nagmamaneho.

Eh saang banggaan o bangin hahantong ang lahat?

Nasasama rin sa puyat at pagod ang mga helper at mekaniko bilang assistant ng mga driver at konduktor. Kung lalampas sa kanilang mga mata at kamay ang mga depekto ng  mga sasakyan at magiging patakaran nila ang “puwede na”, disgrasya rin ang ating aabutin.

At sa mga disgrasya, paano ang mga madadamay? Marami sa mga disgrasya ang may halong banggaan o inaararong mga tao, bahay at iba pa.

Isipin pang sa Commonwealth Avenue, Quezon City lang mayroong 60 kilometers per hour na maximum speed at lahat na ng kalsada ay ginagawang karerahan.

Eh paspasan, mga Bro, ang biyahe dahil bibihira na kumita ang mga pampasaherong sasakyan ngayon.

Para sa mga may-ari ng mga sasakyan, dapat siguraduhin ninyong may pahinga ang lahat ng mga humahawak sa mga sasakyan. Yang 24 oras na operasyon ng mga sasakyan sa loob ng nasa dalawang linggong biyahe para sa okasyon ay sadyang nakapupuyat at nakapapagod.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply