Mag-uutol nasilo ng PDEA sa Ilocos Norte

BUMAGSAK sa kamay ng awtoridad ang tatlong magkapatid na tulak ng droga at nagmamantine ng drug den sa Ilocos Norte, kaninang umaga.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) intelligence officer Merton Persway ang magkakapatid na sina Romualdo, Francis at Rolly Salvacion, pawang ng Barangay Canaam, Badoc.

Ayon sa ulat, naganap ang pagsalakay ng mga ahente ng PDEA sa lugar ng mga suspek, dakong 9:30 ng umaga.

Bago ito, nakatanggap ang PDEA ng impormasyon na bukod sa pagbebenta ng droga at pagmamantine ng drug den ay pinauupa rin ng mga suspek ang kanilang lugar para sa nais mag-pot session.

Dahil dito, nagmanman muna ang mga tauhan ng PDEA  sa aktibidades ng magkakapatid at nang makatiyak o naging positibo ang natanggap na impormasyon ay ikinasa na nila ang buy-bust operaton.

Armado ng search warrant na ipinalabas ng Badoc Regional Court, sinalakay ng PDEA agents ang bahay ng mga suspek at naaktuhan ang ilan sa mga kliyenteng sumisinghot ng shabu.

Gayunpaman, mabilis na nakatakbo ang  mga gumagamit ng droga kaya ang nahuli lamang ay ang magkakapatid.

Apat na sachet ng shabu, dalawang sachet ng marijuana, isang baril at mga drug paraphernalias ang nakuha sa magkakapatid na isa sa kanila ay umamin na gumagamit ng droga.

Pinasinugalingan naman ng isa sa magkakapatid na nakuha sa kanila ang mga nasamsam na ipinagbabawal na gamot.

Inihahanda na ng PDEA ang pagsasmapa ng kaukulang kaso laban sa mgakakapatid.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply