Magandang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis!

BAGAMAT isinusumpa ng maraming mga ekonomista at siyempre ng mayayaman ang walang katapusang pagtaas ng presyo ng langis , kung iisipin ay may mabuti din namang resulta ito sa pang-araw –araw na buhay ng mas nakararaming bilang ng mga pinoy.

Bakit kamo? Dahil nga sa karamihan sa atin ay talagang praktisado na at sanay na sa buhay mahirap ang mga talagang nasasapol lang naman ng pagtaas ng presyo ng langis ay iyong mga may -kaya ika nga.

Ang pinakamagandang epekto ng walang katapusang pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagluwag ng trapiiko sa mga pangunahing kalsada hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa iba pang highly urbanized areas ng bansa.

Bagamat nakatulong na bakasyon ng mga estudyante ngayon kapuna-puna na talagang kaunti  ang mga sasakyan na tumatakbo sa mga lansangan sa ngayon.

Marami kasi sa mga may sasakyan ay nagdadalawang-isip ng gamitin ang mga ito at maging mga pampublikong bus at jeepneys ay nabawasan na din kaya lalo pang nagiging maluwag ang mga lansangan.

Dahil sanay naman ang mga mahirap na wala naman silang sasakyan kaya wala silang pakialam kung tumaas man hanggang langit ang presyo ng langis. He-He!

Kung maituturing mang magandang development ito ay hindi pa natin masabi subalit ang tiyak ay mukhang natututo na ang mga pinoy na  iwaglit ang ugali nilang “happy go lucky” at sa halip ay nag-iisip na sila ng kung ano ang mabuti para sa kanila.

Ang isa pang magandang resulta ng pagtaas ng presyo ng langis ay nakakatulong ito para maging mas close at nagkakaroon ng bonding ang mga mag-asawa at kanilang mga pamilya.

Umaangal kasi ang mga may-ari at operators ng mga watering holes lalo na iyong mga beer house dahil wala na halos pumapasok sa mga establishments nila.

Hapi ngayon ang mga misis dahil mas maaga nang umuwi ang mga mister nila na dati ay regular na mga parokyano ng mga beer house .

Ang dahilan? Wala na kasing panggastos si mister para sa hapi-hapi ng mga tropa nila. Kahit itanong niyo pa kay Nats Taboy, he-he ! Di ba Pareng Nats?

Ang resulta tuloy ay mas nagiging mahaba ang oras ng mga mister sa piling ng pamilya nila sa halip sa mga kulasisi nila kaya hapi talaga si misis.

Kaya kung meron mang nananalangin na sana ay patuloy pang tumaas ang presyo ng langis at mga bilihin ay malamang na mas nararami sa bilang na ito ang mga misis. Ayos! Bobby Ricohermoso

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply