Magbarkada niratrat habang nagkukuwentuhan

NAUWI sa kamatayan ng dalawang lalaki ang isang masayang kwentuhan habang malubhang nasugatan ang isa pa nilang kasama nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin Caloocan City, iniulat kagabi.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan Police Station ang mga biktima na sina Romnick Romero, 21 at Normalito Avaita, alyas Ogis, 21, pawang ng Miramonte Heights, Brgy., 180, nasabing lungsod.

Sugatan naman sa insidente si Roger Gabay, 16, nang tamaan ng bala ng 9mm caliber pistol sa katawan.

Ang dalawang suspek na tinatayang nasa edad 47-50, 5’7 ang taas, nakasuot ng itim na sweatshirt at edad 30-40, 5’6 ang taas, nakasuot ng itim short pants pawang nakasumbrero ay kasalukuyan nang hinahanting ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon, dakong 7:00 ng gabi, habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril at pinaputan sila saka nagsitakas.

Patuloy namang iniimbestigahan ang kaso upang madakip ang mga suspek. Merly Iral

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply