Magdyowa natiklo nang magnakaw ng motorsiklo

TIMBOG ang mag-live-in partner matapos na mang-agaw ang motorsiklong pag-aari ng isang fire volunteer sa Tondo, Maynila Linggo ng hapon.

Hawak na ngayon ng Manila Police District (MPD) Anti-Carnapping Unit ang suspek na sina Ronald Arnaldo, 28, ng 1228 Kagitingan St., Tondo, Maynila,  at live-in partner nitong si Arvy Gumarang, 28, ng 349 Marulas St., Maypajo, Caloocan City.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay matapos magreklamo si Ivan del Rosario, 35, ng 822 J.P.Rizal St., Tondo, Maynila.

Ayon kay Del Rosario, dakong ala-sais ng umaga noong Linggo nang iparada nito ang kanyang motorsiklong Honda Wave 125,model 2008 na may plakang 9814 PH sa P.Herrera St., kanto ng Ylaya St., sa Tondo.

Nagulat na lamang ito nang mapansin niyang nawala sa pagkakaparada ang kanyang motorsiklo kaya agad siyang nagreport sa malapit na istasyong ng pulis.

Namataan ng mga awtoridad ang motorsiklo ng biktima sa Moriones St., Tondo, sakay ang mga suspek.

Agad inaresto ang mag-live-in at dinala sa himpilan ng pulisya para imbestigahan.

Nagdatingan din ang ilan pang umano’y nabiktima ng dalawang suspek.

Napag-alamang ibinebenta ng mga suspek ang mga ninanakaw na motorsiklo sa halagang P4,000 sa Isla Puting Bato sa Tondo.  Jocelyn Tabangcura-Domenden/Photo by: Crismon Heramis

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply