Maging kaibigan ulit si Erap aprub kay Ping

PINATUTSADAHAN ni Sen. Panfilo Lacson ang dati niyang boss at kaibigan na si dating Pangulong Joseph Estrada matapos na umano’y patawarin siya nito.

Sa ginanap na Kapihan sa Diamond Hotel, iginiit ni Lacson na hindi niya maintindihan kung bakit patatawarin siya ni Erap gayung hindi naman siya humingi ng tawad at higit sa lahat ay wala siyang dapat na ihingi ng paumanhin sa dating Pangulo.

Gayunpaman, sinabi ng senador na bukas pa rin siya na maging kaibigian muli si Erap.

“Ayos lang ‘yung forgive and forget. Pero sense of propriety dictates you should not forgive someone who does not ask for forgiveness. Parang improper eh,” diin ni Lacson.

Aniya, ang pagpapatawad at paglimot sa nakaraan ay naging leksiyon umano niya sa pagtatago sa loob ng mahigit sa isang taon.  Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply