Magkaribal nagpang-abot sa haybol ng nililigawan, 1 patay

NAHANTONG sa barilan ng magkaribal na manliligaw, dahilan ng pagkamatay ng isa rito, nang magpang-abot ang dalawa sa bahay ng dilag na kanilang iniibig sa Barangay Ortega, Libacao, Aklan.

Nagtamo ng tama ng bala ng isang homemade shotgun sa iba’t-ibang parte ng katawan at namatay agad ang biktimang si Dante Villorente, 43, ng Barangay Ortega, Libacao.

Hinahanting na ngayon ng Libacao PNP upang panagutin sa krimen ang suspect na si Helmer Olog, 21, ng nasabing lugar, na tumakas matapos ikasa ang krimen.

Sa imbestigasyon ng Libacao police, nangyari ang krimen kagabi sa bahay ng isang dalagang nagngangalang Inday Reprado, 19, kapwa nilliligawan ng suspect at ng biktima.

Bago ito, aakyat sana ng ligaw ang suspek na si Ong kay Reprado, pero naunahan na pala ito ng biktima. So selos nito, hinugot nito sa kanyang baywang ang dalang sumpak at agad pinutukan ang biktima bago ito tumakas.

Napag-alamang binalaan na pala ng suspek ang biktima na huwag makisawsaw sa babaeng kanyang nililigawan kung hindi nito gustong may masamang mangyari sa kanya.

Ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa dalaga, hindi nito pinansin ang banta ng suspek kaya’t nag-akyat pa rin ito ng ligaw. Robert C. Ticzon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply