Magna Carta nominado sa Triple Crown

SIYAM na batang kabayo ang nominado sa 2011 PHILRACOM 1st Leg Triple Crown Stakes race na gaganapin sa Mayo 15 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

May distansyang 1,600 meter race sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga three-year-old local born horses kung saan ay tumataginting na P1.8 milyon top purse.

Nakalinya sa mga inaasahang paborito sa laban sina Arvin Dugo, Magna Carta, The Rock at Hari ng Yambo.

“Siguradong magandang laban itong triple crown na darating kasi malaki ang premyo kaya paghahandaan talaga ito ng mga trainers.” wika ni Carlito Silva, isang racing aficionado.

Kahit natalo si Magna Carta kay Arvin Dugo sa natapos na Philracom Diamond III stakes sa Santa Ana Park noong nakaraang buwan ay inaasahan pa rin na siya ang horse-to-beat dahil sa mga ipinakitang magagandang panalo bago ito natalo sa huli.

Nanalo si Magna Carta na pag-aari ni Mayor Leonardo “Sandy” Javier, Jr. noong Pebrero 27 sa PSCO Freedom Cup kung saan ay umabot sa 10 kabayo ang distansya ang lamang nito sa mga katunggali.

Sumunod ay tinalo ni Magna Carta si Barkley sa naganap na Philracom Chairman’s Cup noong Marso.

Ang ibang nominado ay sina Lord Of War, Barkley, Super Charge, Maker’s Mark at Bosbarawana kung saan lahat ng kalahok ay kakarga ng 54kgs.

Tatanggap din ng P675,000 ang sesegundo sa laban habang P375,000 at P150,000 ang maiuuwi ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan din na P100,000 para sa breeder ng winning horse.

Sa kasaysayan ng triple crown, walo pa lamang ang nakakawalis ng tatlong leg simula ng mag-umpisa ang nasabing event noong 1978.

Ang huling kabayong naka-sweep ng tatlong legs ay si Silver Story (2001) at ang una ay si Fair And Square, (1981).

Ang ibang naka-ukit ng tatlong legs ay sina Sky Walker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996) at Real Top (1998). Elech Dawa

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply