Magna carta ukol sa child performers OK sa Palasyo

PUMAYAG na ang Malakanyang sa pagkakaroon ng isang magna carta para sa mga child performer sa telebisyon.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ito ang magpoprotekta sa mga kabataang artista.

“Sa tingin natin, magiging maganda kung magkakaroon ng ganitong gabay para rin maprotektahan ‘yung ating kabataan,” ani Valte.  “We have other laws that aim to protect the welfare of the child.”

Ang nasabing panukala ay nagsimula sa kontrobersyal na pagsayaw ng 6-anyos na batang lalake sa variety show na “Wiling Willie,” kung saan marami ang umalma.

Dahil din sa kontrobersya, inuulan ngayon ng batikos si Willie Revillame, gayundin ang kanyang programa.

Sa panukala, nakasaad dito na magtatakda ng guidelines ang MTRCB, KBP at TV networks para sa partisipasyon ng mga menor de edad sa television shows.

Gayunman, nasa MTRCB na umano at mga kinauukulang ahensya ang desisyon kung paano tutugunan ang nasabing panawagan para sa magna carta.  Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply