Magnanakaw tumalon sa ilog, todas

TULUYANG nakatakas ang isang magnanakaw sa ginawa niyang krimen ng malunod ito matapos na tumalon sa ilog para makaiwas sa humahabol sa kanya sa Iloilo.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si George Susmiran, 31, residente ng Brgy. San Jose, San Miguel, Iloilo.

Nabatid sa ulat na tinangay ni Susmiran ang ilang carton boxes na pag aari naman ng isang Roy Goco.  Nang makita ng may-ari ang ginawang pagnanakaw sa kanyang mga kahon ay mabilis nitong hinabol ang ang suspek na tumakbo papuntang Muelle Loney at tumalon sa ilog.

Inakala ni Goco na tuluyan na suyang natakasan dahil ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito makita.

Matapos ang tatlong oras ay bangkay nang natagpuan si Susmiran ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply