Magnilay para sa kapaligiran — Legarda

SA panahon ng Semana Santa, hiniling ni Sen. Loren Legarda na isama sa pagninilay ang kalagayan ng kapaligiran at kung paano mapapaunlad ang pamamaraan sa pangangalaga ng likas na yaman.

“As we celebrate this year’s Earth Day, which coincides with the Holy Week, we must rekindle our relationship with nature. As stewards of God’s creation, let us reflect on how we treat the benefits we receive from our natural resources,” ayon kay Legarda.

Ikinalungkot ng senador na patuloy na lumulubha at nauubos ang masaganang likas na yaman ng bansa na dating malusog.

“We have destroyed the balance of our ecosystem to provide for our overly consumptive population at the expense of depleting the capital – the land, air, water that took billions of years to form and perfect.”

Aniya, patuloy na dinudumihan ng mamamayan ang kapaligiran tulad ng hangin at tubig na nagdudulot ng maraming sakit at problema tuwing may hahagupit na kalamdad sa bansa.

Binatikos din ni Legarda ang patuloy na pagmimina sa likas na yaman na unti-unting nauubos kaya pinangangambahang wala nang matitira sa susunod na henerasyon.

Sinabi pa ni Legarda na hindi na dapat maghintay ng panibagong kalamidad o maranasan ang hagupit ng Inang Mundo na halos hindi na matanggap kung paano nangyayari dahil patuloy na nasisira ang kapaligiran.

“Let us all work, in our own and simple yet big and determined steps to help resuscitate our ailing environment. Let us turn away from extractive and consumptive way of living and strive to make a positive impact on our natural resources—may it be by saving on fuel, energy and water consumption, recycling, proper solid waste management, or growing trees,” patapos ni Legarda. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply