Magtiyuhin kritikal sa kapitbahay

KRITIKAL ang magtiyo matapos pagbabarilin ng kapitbahay habang ang magtiyo ay sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, Huwebes ng tanghali, Abril 7.

Kapwa inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Leo Dulfo, 43 at pamangkin na si Jonathan Pecayo, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Dumpsite, Sitio 6, Catmon ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Christopher Bajar, nasa hustong gulang at kapitbahay ng mga biktima.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, angkas ni Pecayo ang tiyuhin sa isang motorsiklo malapit sa kanilang bahay nang hagisan ng pillbox ng suspek.

Napahinto si Pecayo na sinamantala ng suspek at gamit ang dalawang baril ay pinagbabaril ang magtiyo.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan nang nasabing pamamaril. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply