Mainit na temperatura sa Luzon ngayong Semana Santa

MAKARARANAS ng mainit na temperatura na kasing taas ng 36 degrees Celcius sa darating na Semana Santa, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ikinasang special weather outlook para sa Holy Week, sinabi ng PAGASA na sa kabila nito ay inaasahan namang makakaranas ng kalat-kalat ng pag-ulan ang ilang parte ng Visayas at Mindanao.

“For Luzon, generally good weather condition associated with warm and humid temperature ranging from 24-36 degree Celsius in plain areas and 14-28 degree Celsius over the mountainous region,” pahayag sa website ng PAGASA.

Wala namang inaasahang tropical cyclone ang namumuo sa kabuuan ng ikinasang weather outlook period.

Sa kabilang dako, sinasabi na ang easterly wave at low pressure area (LPA) ang inaasahang makakaapekto sa Visayas at Mindanao.

“These weather systems will bring scattered rainshowers and thunderstorms throughout outlook period becoming widespread over western Mindanao on Monday and Tuesday (April 18 and 19), likewise widespread rains over eastern Visayas and eastern Mindanao on Friday until Sunday (April 22-24),” dagdag pa ng PAGASA website. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply