Makikinig ng kuwento ni ‘Lola Basyang,’ minolestiya

SA HALIP na makinig ng kuwento ng lolang kapitbahay ay pagkapariwara ang sinapit ng 11-anyos na dalaginding nang molestiyahin ito ng adik na kalugar Biyernes ng gabi, Abril 8, sa Pasig City.

Naghihimas ngayon ng rehas ang suspek na si Patrick John Martinez na inireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Gelai.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa nasabing lugar kung saan nagtungo ang biktima sa bahay ng tinatawag nilang “Lola Basyang” para makinig sa mga kuwento nito.

Hindi inabutan ng bata ang matanda at tanging ang suspek na narooon at nag-alok na siya na lamang ang magkukuwento sa bata.

Dahil sa kakilala naman kung ng bata ang suspek  ay nakipag kuwentuhan ito sa kanya hanggang sa yayain umano siya nito na pumasok sa kuwarto para doon ituloy ang kuwento na agad namang sinunod ng biktima.

Subalit pagpasok  sa kuwarto ay bigla at pilit umano siyang hinubaran ng short at panty ng suspek at pinaghahalikan hanggang sa maghubad din umano ang suspek.

Ayon sa biktima matapos na maghubad ang suspek ay sinimulan siyang paghihipuan sa kanyang maseselang bahagi ng katawan bago inutusang isubo ang ari nito.

Sa sobrang takot ng bata ay nag-iiyak ito kung kaya’t tumigil ang suspek at pinauwi ang na lamang ito. Agad namang nagsumbong sa kanyang mga magulang ang bata.

Kasong act of lasciviousness in relation to violation of R.A 7610 o child  abuse ang inihahandang kaso ng pulisya laban sa suspek. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply