Malakanyang, dinepensa si Lea Salonga sa RH bill

TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa naging pagsama ng international stage celebrity Lea Salonga sa rally sa pagsulong ng Reproductive Health (RH) Bill sa Ayala-Alabang Village kahapon, Linggo.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ngayon, Lunes, na ginagalang nila ang pagiging pribadong indibiduwal ni Salonga kaya’t may karapatan at malaya itong maihayag ang kanyang saloobin ukol sa usapin.

“Ms Lea Salonga is of course a private citizen as well and she’s perfectly entitled to voice out her opinion whether that opinion is for one or the other. So like any other ordinary citizen, mas mabuti nakaka-contribute tayo sa diskurso sa issue,” anito.

Subalit agad namang tumanggi na mag-komento si Valte sa posisyon ni Salonga, lalo pa’t ang isyu ay nasa Kongreso na.

“At this point, ‘di na muna,” aniya. “Ang fino-focus natin ang pagdinig sa ibang stakeholders on this issue. Again for whatever goes on, alam ninyo naman ang bill wala naman sa Palasyo kundi nasa Mababang Kapulungan,” ang pahayag nito.

Nauna nang nagpalabas ang Malakanyang ng kanilang Responsible Parenthood (RP) Bill, na gaya ng RH bill ay papayagan ang paggamit ng artificial contraceptives kung makakapasa at magiging ganap na batas.

Malinaw namang isinuka ito ng Simbahang Katoliko at pro-life groups ang dalawang panukala. Anito, natural family planning methods lamang ang tatanggapin nito.

Kasama ni Salonga sa nasabing kilos-protesta sina dating Health Secretary Esperanza Cabral at ilang residente ng Ayala-Alabang Village, na nagkaisang iprotesta ang barangay ordinance na nagbabawal sa pagbebenta ng contraceptives sa nasabing subdibisyon. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply