Malakanyang hands off sa kaso ni LTO chief Torres

HANDS OFF ang Malakanyang sa problemang kinahaharap ngayon ni Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres makaraang sampahan ng kaso sa Ombudsman.

Sinabi ni  Presidential Spokesman Edwin Lacierda na bahala na si Torres na harapin ang anumang kasong isinampa laban sa kanya sa Ombudsman lalo pa’t nalinis na nito ang kanyang pangalan sa  Department of Justice (DOJ) at sa ginawang imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“I’m sure that she (Torres) can defend herself,” ani Lacierda.

Inihayag naman ni Lacierda na dapat magharap ng ebidensya ang nang-aakusa para patunayan ang bintang kay Torres.

“Let’s check first. She has been cleared by the DOJ and the DILG so whatever charges that the Ombudsman has filed is something that we are not in the position to comment,” dagdag pa ni Lacierda. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply