MALAMIG NA LANGIT (Ika-30 Labas)

“I believe, your good job will help you back in your medical profession, Dr. Santamaria,” sabi ni Dra. Manalo.

“Sana!” sagot naman ng binata.

Hindi sumabad sa kanilang usapan si Charlene …

Patingin-tingin lamang …

Nakikinig …

Nang bumalik na si Louie, tumayo na si Romano.

Ngumiti ang binata at bahagyang nagtaas ng isang kamay at lumabas na sila ng canteen.

Wala na sila nang maisipang magtanong ni Charlene kay Dra. Manalo.

“Magaling na ba siya?” tanong ng dalagang doktora.

“I don’t know!”

“Sayang siya! guwapo pa naman but he’s a horrific lover,” patuloy ni Charlene.

“What do you mean by that?”

“Sa patay siya nag-eenjoy makipagromansa. NGIIII!”

Ang lakas ng tawa ni Dra. Manalo.

Naisipan niyang magbiro.

“Ano kaya’t naisipan kang ligawan ni Dr. Santamaria?” sabi ng una.

“Ayoko nga!” ingos ni Charlene.

“But attracted ka sa masculinity niya, hindi ba?”

“Tama ka! Pero sakaling magkaroon kami ng relasyon, paano ko siya mapaliligaya kapag nagromansa kami? Aarte ako na patay? Kadiri! It’s like destroying my  sexual right as a woman!”

“Pero tingin ko, may crush ka sa kanya!” pangiti-ngiting biro pa ni Dra. Manalo.

“Granting na crush ko nga siya pero hanggang doon lang iyon. Hindi ako na-arouse sa kanya. mga balahibo ko ang tumatayo!!” sagot naman ni Charlene.

“Action speak louder than words,” kasabihan ng mga kano. “Tulak ng bibig, kabig ng dibdib,” naman sa mga Pinoy.

Palabas na sila ng canteen.

Inis na hinabol ng kurot ni Charlene si Dra. Manalo.

“Bakit ba ipinagpipilitan mo ako sa kanya?” inis na sabi ng dalaga.

“Bagay kasi kayo, e!” tumatawang sagot naman ng kaibigan habang tumatakbo.

Naputol lamang ang kanilang harutan nang nasa loob na sila ng ospital.

Nakasalubong nila si Romano.

Paalis na.

“Are you leaving na, dok?” tanong ni Dra. Manalo.

“I don’t belong in this place anymore. I have to go na. Si Louie na ang bahalang mag-monitor para sa recovery ni director,” sagot naman ng binata.

Parang biglang nalungkot si Charlene nang makitang papaalis na si Romano.

Naawa siya at nanghihinayang para sa sarili.

One time lang niya nakita ang lihim na crush tapos ay mawawala na.

“Kung bibigyan ka ng pagkakataong makabalik dito, babalik ka ba, Dr. Santamaria?” naisipang itanong ni Charlene sa binata bago tuluyang nakaalis.

“Medical profession is my life at ni minsan ay wala akong nagawang pagkakamali sa trabaho ko. Sa buhay ko lang meron,” malungkot na tugon ng binata at tumalikod na.

Nakalabas na ng ospital si Romano ay nakatanaw pa rin sa kanya si Charlene.

Parang gusto niyang maiyak sa lungkot.

Nang bigla siyang hilahin ni Dra. Manalo patungo sa kanilang clinic.

“Umaarte ka pa na walang gusto sa kanya pero parang gusto mong humabol sa pag-alis niya,” nasasabing sabi ng una.

Saka pa lang parang natauhan si Charlene.

“Huwag kang mag-alaala. Malakas ang kutob ng loob ko na makakabalik dito si Dr. Santamaria,” sabi ni Dra. Manalo.

“Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ni Charlene.

“Ibabalik siya rito ni director kapag magaling na siya!”

Biglang nagluwag ang pakiramdan ng dalaga.

Napangiti na siya. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply