MALAMIG NA LANGIT (Ika-27 na labas)

“BUMIGAY na ang puso ni Dr. Alfredo Mercado, ang director ng ospital na pinapasukan natin. May facility pero walang  magaling na heart surgeon sa ospital kaya plano ng kaniyang pamilya na dalhin siya sa US upang dito gawan ng heart transplant operation. Pero naisip ko, waste of time lang ang pagtungo roon dahil alam alam kong kayang-kaya mo ito kaya inirekomenda kita, pare”  sabi ni Louie.

“Pero alam mong wala na akong lisensiya bilang siruhano.  Hindi ko siya puwedeng operahan,” malungkot na sagot ni Romano.

“Wala ng panahon para ayusin ang lisensiya mo, pare. Kailangang maoperahan sa lalong madaling panahon si direktor kundi’y mamamatay siya!” nagpapanik na sabi ng kaibigan.

“Pare, hindi kamay ng Diyos ang mga palad ko. Masyadong risky ang heart transplant. Paano kung talagang oras na ni direktor at sa mga kamay ko siya nalagutan ng hininga? Nawalan na ako ng doctor’s license ay baka makulong pa ako?”

“Alam na ng pamilya ni Dr. Mercado ang tungkol sa problemang iyan at malaki ang tiwala nila sa iyo. Sila na raw ang bahala anuman ang kalabasan ng operation. Ang importante, hindi nila basta na lang nila isinuko si direk,” sagot naman ni Louie.

Nawalan ng dahilan si Romano para tumanggi.

“Okey, luluwas ako ng Maynila ngayon din!” sagot ng binata.

Gulat si Almira nang malaman ang kanyang plano.

“Luluwas ka ng Maynila pero ano ang gagawin mo roon?” tanong ng dalaga.

“May humihinging serbisyo ko para magsagawa ng heart transplant operation,” sabi ng binata habang naggagayak ng mga gamit.

“Pero ikaw na rin ang nagsabi na tinanggalan ka ng lisensiya. Delikadong makasuhan ka dahil iligal ang gagawin mo,” nag-aalaalang sabi ni Almira.

“Direktor ng ospital ang ooperahan ko. Sa bagay na iyan, pamilya niya ang sumasagot sa gagawin ko,” sagot naman ni Romano.

Hindi na nagsalita pa ang dalaga.

Anyong nalungkot sa gagawing pag-alis ng binata.

“Kailan ka naman babalik?” maya-maya’y tanong ni Almira.

“Hindi ko alam!”

Muli ay nawalan ng imik ang dalaga.

“Kung iniisip mo ay ang ipinangako kong kabayaran sa serbisyo mo, wala kang dapat ipag-alaala.
Naihulog ko na sa savings account mo. Anytime ay puwede mong itsek,” sabi ni Romano.

Biglang nangilid ang luha ng dalaga.

“Alam mo bang hindi na mahalaga sa akin ang perang iyon?” pumapatak ang luha sa mga matang sabi ng babae.

“Natigilan ang binata.

“Ikaw na ang mahalaga sa akin, Romano. Napamahal ka na sa akin at masakit para sa akin ang mawalay ka nang tuluyan,” patuloy ni Almira.

Napangiti ang binata.

“Sino ba’ng may sabi na mawawala ko sa buhay mo? Kailangan kita dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay. Gumayak ka at isasama kita sa Maynila,” sabi ni Romano.

Umiling ang dalaga.

“Hindi ako sanay sa buhay na ginagalawan mo. Dito na lang ako sa bahay. Hihintayin ko ang pagbabalik mo rito,” sagot ni Almira.

Nilapitan ni Romano ang dalaga at niyakap.

Mainit na hinalikan sa mga labi.

“Kapag tapos na ang trabaho ko, babalik na ako. Hintayin mo ako rito,” pangako ng binata.

Ang dalaga naman ang yumakap sa lalaki bago umalis.

Ilang saglit pa at lulan na ng kanyang SUV ang binata.

Hatid siya ng kaway ni Almira habang papalayo.

Hindi niya maiwasang kabahan habang unti-unting naglalaho sa kanyang paningin ang sasakyan ng kasuyo.

Nag-aalaala siya na ito na ang huli nilang pagkikita.

SAMANTALA, masigla si Romano habang nagbibiyahe patungong Maynila.

Naglalaro sa isip niya na kailangang mailigtas niya sa tiyak na kamatayan ang direktor ng dating ospital na pinapasukan.

Dahil oras na mangyari iyon, babalik sa kanya ang nawalang tiwala at respeto ng lahat. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply