MALAMIG NA LANGIT (Ika-28 na labas)

SA kanilang bahay sa Valleverde dumeretso si Romano.

Tuwang-tuwa ang mag-asawang matandang katiwala na sina Mang Akong at Aling Melinda nang makita siya.

“Mabuti naman at naisipan mo nang magbalik, senyorito. Kumusta ka na?” sabik na tanong ng matandang lalaki.

“Magaling na ako, Mang Akong. Tapos na ang aking kahibangan kaya nagbalik na ako rito,” masayang tugon naman ni Romano.

“Babalik ka na ba sa trabaho mo, Senyorito?” tanong naman ni Aling Melinda.

“Hindi pa. Pero may ooperahan akong malaking tao at oras na mailigtas ko siya sa tiyak na kamatayan, malamang na makabalik ako sa aking propesyon dahil siguradong tutulungan niya ako.”

“Sino ba siya, senyorito?”  tanong ni Mang Akong.

“Si Dr. Alfredo Mercado. Ang direktor ng ospital na pinapasuka ko dati.”

“Kayang-kaya mo siyang iligtas, senyorito. At oras na mailigtas mo siya sa kamatayan, makakalimutan ng lahat na minsan ay nagkaroon ng lamat ang iyong career.”

“Sana nga, Mang Akong!” hopeful namang tugon ni Romano.

Nang umakyat sa itaas si Romano para magtungo sa kanyang kuwarto at saglit na magpahinga, hangos namang nagtungo ang mag-asawa sa kusina para magluto ng masarap na pagkain para sa kanilang amo.

Samantala, hindi kaagad pumasok sa kanyang kuwarto si Romano.

Saglit na tumayo muna sa nakabukas na pintuan at hinagod ng tingin ang kama na nagsilbing saksi habang inaangkin niya ang bangkay ni Hyacinth.

Mukhang alaga ng mag-asawa ang kanyang silid.

Malinis na malinis at bago ang pondo ng unan at bedsheet.

Anyong tinanggal nila ang anumang alaala ng bangkay ni Hyacinth na unang nagpatibok ng kanyang puso.

And most of all, bumuhay sa kanyang pagnanasa na naging dahilan upang tumigas at tumayo ang pagkalalaki na mahabang panahong pinagtampuhan ng libog.

Napatunayan ni Romano na magaling na talaga siya.

Burado na sa kanyang isip si Hyacinth.

At ang paggaling niya ay utang niya kay Almira.

Beerhouse girl na nagtiyaga at nagsakripisyo para matulungan siyang makabalik sa normal.

Nahiga muna siya sa kama …

Kailangan muna niyang magpahinga bago sumabak sa maselang operasyon.

Pero bago siya natulog, tinawagan muna niya sa pamamagitan ng telepono ang kaibigang doktor na si Louie para malaman niyang narito na siya sa Maynila.

Masaya ang kaibigan.

“Kung gayun, kailangang masimulan na ang operasyon sa lalong madaling panahon. Tiyak na matutuwa ang pamilya ni Dr. Mercado oras na malamang nagbalik ka na,” sabi ni Louie.

May ilang oras ding nawala sa sarili si Romano.

Nagising lamang siya nang kumatok sa pintuan si Aling Melinda.

Kumain daw muna siya bago ipagpatuloy ang pagtulog.

Mahirap daw na malipasan ng gutom.

Bumangon ang binata at bumaba ng hagdanan.

Deretso siya sa kusina.

Ilang saglit pa at nilalantakan na niya ang saganang pagkain na inihanda ng mag-asawang Akong at Melinda.

Matapos kumain at saglit na magpahinga, naligo na si Romano.

Pupunta na siya ng ospital.

Tama ang kaibigang doktor na si Louie.

Kailangang masimulan na ang heart transplant operation kay Dr. Alfredo Mercado para matiyak ang kanyang kaligtasan.

Nang dumatin siya ng ospital, pinagtinginan siya ng mga doktor at nars.

May mga hindi nakatiis na ngumiti at bumati …

Alam nila kung gaano kabigat ang misyon niya sa kanyang pagbabalik sa pagamutan.

Ang iligtas sa kamatayan ang direktor ng ospital na kanilang pinapasukan.

Nang pumasok sa doctor’s quarter si Romano, mabilis siyang sinalubong ni Louie.

“Nakahanda na ang operasyon. Ikaw na lamang ang hinihintay,” sabi ng kaibigan. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply