MALAMIG NA LANGIT (Ika-31 labas)

MAGANDA ang naging resulta ng operasyon sa direktor ng ospital courtesy of Dr. Santamaria.

Nagsimula na ang kanyang recovery sa patuloy na pagbabantay ni Louie.

Tuwang-tuwa ang pamilya ni Dr. Mercado.

Sa pamamagitan ng una, humingi sila ng meeting kay Romano para personal itong mapasalamatan.

Naging usap-usapan ang nagawa ng unlicenced doktor na si Romano hindi lang sa buong ospital kundi sa daigdig ng medisina.

Sa naging kaganapan, nagkakaisa sila ng opinyon.

“He must be given a chance to come back. The medical republic needs a doctor like him,” sabi
ni Dr. Arellano sa isang conference ng mga manggagamot.

“But what about his passion for the dead?” salag naman ni Dra. Concepcion.

“He’s completely recovered!”

“Sino’ng may sabi?”

“Si Dr. Louie Rivera!”

“Nakalimutan mo na bang magkaibigan silang matalik? Paano kung ang sinabi niya ay in defense of his friend lamang?” giit pa rin ni Dra. Concepcion.

“Para makasiguro ka na talagang magaling na si Dr. Santamaria, why don’t you try him, doktora?” pabirong sabi ni Dr. Arellano.

Sabog ang tawanan.

Pulang-pula ang mukha ng kontrabidang doktora.

“Hintayin na lang natin ang paggaling ni Dr. Mercado. Hayaan nating siya ang magdesisyon sa magiging kapalaran ng kanyang manggagamot,” sabad ni Dr. Montenegro.

The meeting is ajourned.

Samantala, nagbibiyahe na si Romano.

Nagawa na niya ang kanyang trabaho kaya minabuti niyang bumalik na lang ulit ng Dagupan.

Alam niya na naghihintay sa kanya rito si Almira.

“Sa kanya ko na lang ibibigay ang aking quality time. Mag-eenjoy pa kami pareho,” pangiti-ngiti niyang sabi habang nagmamaneho.

Tinawagan niya si Almira.

Tuwang-tuwa naman ang dalaga sa nalamang uuwi na siya.

Aniya’y paghahandaan niya ang pagbabalik ng kasuyo.

Biro’y magdamag silang magsasalo sa kaligayahan.

Nang biglang sumilid sa kanyang isipan si Dra. Charlene Gorospe.

“Maganda siya at batambata pa. Pero ayokong mainlab sa kanya. Masasaktan lang ako. Tiyak na hindi na lingid sa kanya ang nakaraan ko. Malamang na ayawan lang niya ako,” sabi pa sa sarili ni Romano at binilisan na ang pagpapatakbo sa kanyang SUV.

Sa mga sandaling iyon, lumabas na ng ospital si Charlene.

Sumakay siya sa kanyang kotse pero bago dumeretso ng uwi, dumaan muna sa simbahan. Nagdasal …

Kasama sa ipinagdasal niya si Romano.

Hinihiling niya sa panginoon na ibalik sa kanya ng medical board ang tinanggal na lisensiya sa panggagamot.

Gusto niyang makasama sa ospital ang binatang siruhano.

For one reason ….

Na love at first sight siya sa binata.

SA mga sandaling iyon, nagising na si Dr. Mercado.

Nakakausap na …

Si Louie ang unang nakamulatan niya.

Nagtatanong ang direktor kung nasa US ba siya at dito ginawan ng heart transplant.

“No, Sir! Narito ka sa sariling ospital at dito inoperahan,” masayang sagot ni Louie.

“Pero sino ang nag-opera sa akin? Kumuha ba kayo ng import na doktor sa amerika?” tanong pa ni Dr. Mercado.

“No, Sir!” sagot ulit ni Louie. “Si Dr. Romano Santamaria ang nagsagawa ng heart transplant operation sa iyo.”

Parang biglang sumakit ang bagong puso ng direktor.

Siya kasi ang nagrekomenda para tanggalan ng lisensiya ang doktor na nagligtas sa buhay niya ngayon. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply