MALAMIG NA LANGIT (Ika-32 labas)

“DOCTOR Romano Santamaria is a good man.  In spite of what I’ve done in his career, iniligtas niya ang aking buhay. Kaya kapag magaling na ako, all I have to do is to help him back in the medical profession. Kapag hindi ko ginawa iyon, parang ako na rin ang nagkait sa mga tao na nangangailangan ng kanyang tulong,” madamdaming sabi ni Dr. Mercado.

Tuwang-tuwa si Louie.

Alam kasi niyang tutuparin ng kanilang direktor  ang kanyang sinabi.

Malayo na si Romano sa mga sandaling iyon.

Babalik na siya sa piling ni Almira.

Sa babae na nagsakripisyo na maibalik sa normal ang kanyang pagkalalaki na lang niya ibibigay ang kanyang quality time.

Bumilis ang daloy ng kanyang dugo nang maisip ang alindog ng dalaga.

Kasunod nito, may pumitlag sa loob ng kanyang pundilyo.

Biglang napadiin ang tapak niya sa silenyador.

Natawa tuloy siya habang nagmamaneho.

Itinuloy na niya ang pag-uwi.

Makalipas ang ilang oras na paglalakbay, nakarating na siya ng Dagupan.

Ilang minuto pa at nasa tapat na siya ng apartment na tinutuluyan ni Almira.

Paghinto pa lang ng kanyang SUV, hangos na sumalubong ang dalaga.

Siya na nga ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan.

Pagbaba niya, sabik na sabik na yumakap sa kaya ang babae.

Ang lambot at ang bango ng katawan ni Almira.

Amoy bagong paligo.

Sa kinatatayuan ding iyon, maalab na nagsalubong ang kanilang mga labi.

Sabik na nagkuyumusan ng halik …

Kapwa sila naghahabol sa paghinga nang magkahiwalay.

“M-Miss na miss na kita, Almira,” sabi ng binata.

“Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko,” kilig na sagot ng dalaga.

“R-Really?”

“Tigas na tigas ka na, e. Natutusok ang  pusod ko,” sabay hagikhik na sabi ni Almira.

Malakas na natawa rin si Romano.

Magkayakap na pumasok na sila sa apartment.

Isinara ang pintuan at ikinandado …

Deretso sila sa kuwarto ….

Pagdating sa loob, unahan silang naghubad ng suot na damit.

Maya-maya lang at parang mga sawang naglilingkisan na sila sa kama.

Mistulang naka-epoxy na ang kanilang kaselanan sa isa’t isa …

Walang bunutan …

Parang ayaw na nilang magkahiwalay pa …

Kung ilang ulit na umapaw at nagsanib ang masaganang katas ng kaligayahan pero hindi pa rin sila naghiwalay.

Tuloy ang ubusan nila ng lakas at katas hanggang sa parang along magsawa sa paghampas sa dalampasigan …

Humina nang humina hanggang sa kapwa sila manlupaypay.

Lambot na nahulog si Romano sa tabi ni Almira …

Tulog agad ang babae …

Parang tinamaan ng left hook ni Manny Pacquiao.

Gising pa rin ang binata ..

Nag-iisip …

Nawalan siya ng career pero bumalik naman sa normal ang kanyang pagkalalaki.

No regrets!

Pero masaya sana kung tinitigasan na siya ay hindi pa natanggalan ng lisensiya bilang isang doktor.

Mas okey sana!

Pero wala namang masamang tinapay sa binata.

Masaya na rin siya sa nangyari.

At least, hindi na magiging malamig sa kanya ang darating na mga gabi.

Nakangiting ipinikit na niya ang kanyang mga mata para magpahinga.

Pero nagulantang siya nang biglang tumunog ang telepono sa gawing ulunan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply