MALAMIG NA LANGIT (Ika-37 labas)

SUBOK na ni Romano si Almira bilang bed partner.

Wala siyang masabi.

Kaya niyang bumuhay ng patay.

Hindi nga ba’t ang hopeless niyang kargada ay nagawan niya ng paraan para ma-revive.

Lahat ng kapritso niya sa kama, kayang ibigay ni Almira.

Ang problema,  hindi ang dalaga ang itinitibok ng kanyang puso.

Si Charlene.

Kahit minsan lang silang nagkita, naging matimbang na sa puso niya ang dalaga.

At napatunayan niyang kapag pag-ibig ang umiral, walang laban ang libog ng katawan.

Tinitigan niya ang dalagang doktora.

“I’m dead serious!” pormal na sabi niya sa babae.

Dahil sa kanyang sinabi, biglang lumipat ng upuan si Charlene sa kanyang tabi.

Humilig sa kanyang balikat.

“Matagal na akong naghihintay ng lalaking pagsasanlaan ng aking puso at pagkababae. Kung ikaw na nga iyon, I’m willing to give you everything,” sabi ng dalaga.

Palay na ang lumapit sa manok para magpatuka, hindi siya tandang kapag binalewala niya ang alok ni Charlene.

Inakbayan niya ang dalaga …

Hinawakan sa babae at kinabig paharap sa kanya ang mukha nito …

Nagtama ang kanilang mga mata …

Punong-puno ng pagpapaubaya ang mga ito.

Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam …

Bumilis ang daloy ng kanyang dugo deretso sa dati’y walang silbing alaga.

Pero iba na ito ngayon …

Sa konting kalabit ng pagnanasa ay biglang umiigkas.

Naramdaman ni Romano na galit na galit na ang kanyang alaga …

Parang bato na katigas.

Ang pag-iiba ng timpla ng binata ay kaagad na nahalata ni Charlene.

“B-Bakit?” tanong ng dalaga.

Hinawakan  ni Romano ang isang kamay ng una …

Ipinatong sa ibabaw ng kanyang pundilyo ….

Parang napaso na biglang binawi ng dalaga ang kanyang kamay.

“A-Ano ba iyan? Ang init at sobrang tigas,” gulat na sabi ni Charlene.

“May abnormality ang alaga ko noon dahil ayaw mag-function. Pero may abnormality pa rin nang bumalik sa normal,” sabi ni Romano.

“Like what?”

“Ang daling mabuhay. At kapag tumigas, ang tagal lumambot!” sabi ng lalaki.

“Bastos ka!” malambing na sabi ng dalaga sabay kurot ng pino sa tagiliran ng binata.

Ang kurot ni Charlene ay lalo lamang nagpatindi sa pag-aalab ng damdamin ni Romano.

Kinabig niya ang dalaga at mariing kinuyumos ng halik sa mga labi.

Anyong asiwang-asiwa ang babae pero nang mag-init ay lumaban na ng halikan sa binata.

Kumilos ang isang kamay ni Romano …

Kung saan-saang parte ng katawan ni Charlene nakarating.

Pahimas-himas …

Palamas-lamas …

Maya-maya’y parang ibong dumapo ito sa tuhod ng babae …

Pahimas na gumapang paakyat …

Dumaan ito sa malaman at bilugang hita ng dalaga …

Paakyat nang paakyat …

Hanggang sa maramdaman ni Charlene na malapit na ito sa nakaumbok niyang kayamanan …

Malapit na malapit na …

Hanggang sa parang gutom na halimaw na sinakmal ang kanyang kaumbukan.

“R-Romano ….” daing ng dalaga na unti-unting tinutupok na ng pagnanasa.

Wala na sa sarili ang binata …

Alipin na ng kamunduhan sa mga sandaling iyon.

Ang pangahas na kamay ng binata ay marahang gumiit sa garter ng panty ni Charlene. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply