MALAMIG NA LANGIT (Ika-39 Labas)

NAHIRAPAN nang husto si Charlene sa una niyang karanasan.

Hirap na hirap siya sa paglalakad  patungo sa banyo.

Napilitan tuloy si Romano na alalayan ang dalaga.

Nag-hot shower si Charlene para maibsan ang pananakit ng katawan.

Ang binata na ang nagpalit sa narumihang bedsheet ng kama.

Nang matapos mag-shower ang dalaga, sinundo ito ni Romano sa banyo.

Tinulungang magbihis at nang tuyo na ang buhok ay saka inalalayan para muling mahiga sa kama.

Nang nakahiga ang dalaga, nagtungo sa kusina ang binata.

Naghalungkat sa ref.

Naghanap ng puwedeng ilaga para makahigop ng mainit na sabaw si Charlene.

May nakita siyang karne ng baka at ito ang niluto niya.

Nang bumalik siya sa kuwarto na may dalang mainit na sabaw na nakalagay sa bowl, nadatnan niya ang dalaga na balot na balot ng kumot ang katawan.

Nilapitan niya si Charlene at dinama ang ulo …

Mainit …

Nilagnat ang dalaga makaraang madonselya.

Naghalungkat siya sa medicine cabinet at naghanap ng gamot para sa lagnat.

Pinahigop muna niya ng mainit na sabaw si Charlene bago pinainom ng gamot.

Gusto na sana niyang umuwi pero hindi makaalis dahil sa concern sa dalaga.

Hindi niya ito puwedeng iwanan sa gayung kalagayan.

Makaraan naman ang isang oras ay humupa na ang lagnat ni Charlene.

“Hindi siguro ako makakapasok bukas. Hindi ko kaya,” sabi ng dalaga.

“H-Hindi na rin muna ako papasok. Babantayan kita,” sabi naman ng binata.

“Kailangang pumasok ka. Baka kung ano ang kanilang isipin kung pareho tayong mawawala,” sagot ni Charlene. “Isa pa, first day nang pagpasok mo bukas. Hindi magandang tingnan kung aabsent ka.”

“Pero paano ka?”

“Bahala na ako sa sarili ko. Hirap lang naman akong maglakad pero kaya kong pangalagaan ang aking sarili.”

“Okey! Papasok ako bukas pero dederetso ako rito pagdating ng uwian. Babantayan kita,” sabi ni Romano.

“Ikaw kasi … sinugatan mo kasi ako kaya namomoroblema ka ngayon,” naninisi pero nakangiting sabi ni Charlene.

“Dapat lang na alagaan kita. Baka madala ka ay hindi na ako makaulit,” nakangiting sagot ni Romano.

“Hmp! Magkaroon ka naman ng self control para hindi ka nakakasakit,” ingos ng dalaga.

“Ngayon lang naman iyan. Sa susunod, hindi ka na masasaktan,” sabi naman ng binata.

Biglang iniba ni Charlene ang usapan.

“Matagal pa ang umaga. Matulog na tayo at baka mapuyat ka. May pasok ka pa bukas,” aniya.

Sumampa na sa kama si Romano at tumabi sa dalaga.

Nakatulog siyang nakayakap sa babae.

Mahaba o maikli ang tulog, nakasanayan na ni Romano na gumising nang maaga.

Tulog pa si Charlene nang bumangon siya.

Hindi na niya ginising ang dalaga para makapahinga nang husto.

Lulan ng kanyang kotse na umuwi na siya sa Valle Verde.

Naligo at nagbihis pagdating dito.

Paalis na ulit.

Habol siya ni Aling Melinda.

“Hindi ka ba muna mag-aalmusal bago umalis, senyorito?” tanong ng matandang kasambahay.

“Sa ospital na ako kakain, Aling Melinda. Naghahabol ako ng oras. First day ng pasok ko ngayon at kailangang dumating ako sa tamang oras sa trabaho,” nag-aapurang sagot naman ni Romano.

Hindi nagpilit pa ang matandang babae.

Sumakay na sa kanyang SUV si Romano at hangos na umalis.

On time naman siyang dumating sa ospital.

Sinalubong siya ng mga tanong pagpasok niya sa Doctor’s quarters.

“Bakit hindi mo kasama si Charlene? Nasaan siya?” tanong ni Dra. Sevilla.

Hindi malaman ng binata ang isasagot. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply