MALAMIG NA LANGIT (Ika-42 labas)

“PATAY na ho ang father ko. Ang mother ko naman ay nasa ibang bansa at nakapisan sa sister ko.
Tayo na lang po ang mag-usap. Nasa hustong gulang na po ako para makipagkasundo sa inyo,” magalang na sagot ni Romano.

Nasa harap sila ng saganang hapunan at kumakain na sa mga sandaling iyon.

“Ganito ang gusto kong mangyari. Bago lumaki ang tiyan ni Charlene, gusto kong makasal kayo sa lalong madaling panahon!” simula ng opisyal ng pulis.

“Nakahanda po ako!”

“Kung gayun, itakda natin ang inyong kasal two months from now para may allowance kayo sa paghahanda sa inyong wedding. Okey ba iyon sa iyo, Romano?” tanong ni Col. Gorospe.

“Sige po!”

“Kung gayun, wala na tayong pag-uusapan pa. Kayo na ni Charlene ang mag-usap kung saang simbahan kayo magpapakasal at kung saan ang reception,” pagtatapos ng opisyal ng pulis.

Nang matapos ang dinner, masinsinang nag-usap ang ikakasal.

Nagkasundo sila na sa Manila Cathedral idaos ang kanilang kasal at para hindi na lumayo ang
mga bisita, sa Manila Hotel na lang ang reception.

At bukas na bukas din, aasikasuhin na nila ang pagpapagawa ng damit pangkasal, pagkuha ng bridesmaid at iba pang abay.

Isasabay na nila ang pagpapagawa ng wedding imbitations para sa mga bisita na iimbitahan. Plano nila tuloy na umabsent muna sa trabaho bukas para maisagawa ang kanilang mga plano.

Umalis si Romano na sobrang excited ni Charlene sa nalalapit nilang kasal ni Romano.

Nang makarating sa bahay ang binata, karaka niyang tinawagan ang kaibigang si Louie na dapat sana’y day off kinabukasan.

Pinapasok muna niya ito para palitan siya sa trabaho.

Nang sabihin niya ang kanyang rason, tuwang-tuwa ang kaibigan.

“Kahit isang linggo kang mag-absent, aakuin ko ang trabaho mo, pare. Masaya ako dahil mag-aasawa ka na,” sabi ni Louie.

Iba ang isinagot ni Romano.

“Baka hindi rin makapasok si Charlene bukas. Magkasama kaming mag-aasikaso sa nalalapit naming kasal,” dugtong ng binata.

“Don’t worry. Ako na rin ang bahala sa problema niya, pare. Kakausap ako ng doktor na
pansamantalang magti-takeover sa job niya,” masayang sagot ni Louie.

“Thank you, pare. Ibang klase ka talaga. Hulog ka sa akin ni Lord!” sabi ni Romano.

“Talagang ganoon. What for na naging magkaibigan tayo kung hindi kita tutulungan sa iyong mga problema,” sagot naman ng kaibigan.

Sa puntong ito natapos ang kanilang pag-uusap.

Nahiga na sa kanyang kama si Romano at natulog.

Kinabukasan, sinundo niya si Charlene sa kanilang bahay.

Sisimulan na nila ang pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal.

Habang abalang-abala si Romano sa paghahanda sa nalalpit nilang wedding ng dalagang doktora, busy rin si Almira sa kanilang negosyo ni Donna.

Nagpupulong sila ng kaibigan sa bahay nito.

Dahil sa magandang takbo ng kanilang business, plano nilang magbukas pa ng ibang KTV Bar sa ibang bayan.

Habang nagpaplano, kumakain sila ng macaroni salad at pineapple juice naman ang panulak.

Nang biglang sumama ang tiyan ni Almira.

Bago sumabog ang suka, mabilis siyang tumakbo patungo sa lababo.

Dito niya inilabas lahat ang laman ng kanyang tiyan.

Nag-aalaalang sinundan siya ni Donna …

“Kagagawa ko lang nitong salad kagabi at nilagay ko kaagad sa ref kagabi. I’m sure na hindi ito sira. May problema ka ba, Almira?” tanong ng kaibigan.

“K-Kagabi pa masama ang tiyan ko at hindi ko alam kung bakit?” sagot naman ng dalaga.

“Ang mabuti pa, patingnan natin sa doktor kung ano iyan. Kailangan nating makasiguro. Masisira ang magaganda nating plano kung magkakaproblema ka,” suhestiyon ni Donna.

Sumama si Almira sa kaibigan.

Lulan ng kotse ng una na nagtungo sila sa pinakamalapit na clinic. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply