Malamya si Dir. Gen. Raul Bacalzo

SA mga naging hepe ng Pambansang Kapulisan, wala nang titikas pa kay dating police Dir. Gen. turned Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Dahil barako kung mamahala, nagkaroon ng malaking pagbabago ang Philippine National Police (PNP) noong kanyang kapanahunan.

Kaya naman noong si Lacson ang bossing ng kapulisan, nawasak ang organized crime rings at bumaba ang insidente ng krimen.

At kung si Lacson ay matikas dahil sa angking mala-bakal na pamamahala, kabaligtaran ang
tingin kay Dir. Gen. Raul Bacalzo.

Puna ng mga nakausap nating police officials, malamya, anila, ang style ng pamamahala ni Gen. Bacalzo sa police organization.

Kaya ang insidente ng krimen sa kasalukuyang liderato ng PNP, tumataas ang crime rate. Ayaw aminin, pero yan ang katotohanan.

Ito pa, noong si Gen. Lacson ang hepe, disiplinado ang pulis, hindi tulad ngayon kay Gen. Bacalzo na ang daming ‘ogag’.

‘Di natin nilalahat, maraming matitinong alagad ng batas, ngunit ang mga ito’y nasasapawan ng dami ng malolokong pulis.

Huwag na tayong lumayo, sa Quezon City Police District lang, mga opisyal pa ang nagtuturo sa mga tauhan nila sa paggawa ng kalokohan.

Katulad ng isang ‘Col. Abalos’ na pinagwawagwagan pa umano ang pakikitungo sa mga iligalista, tulad ng mga gambling lord.

‘Di tulad noong kapanahunan ng nagretirong si Gen. Rodolfo ‘Lakay’ Garcia na matitino at nagtatrabaho ang mga pulis.

Sinusuntok noon ni Gen. Garcia ang mga ‘ogag’ na pulis at kapag napuno na ang salop na tangan, aba’y magdasal ka na.

Eh, ngayon, tulad ni Gen. Bacalzo, malamya rin ang style ng pamamahala ng kasalukuyang hepe ng QCPD.

Para tumino ang Pambansang kapulisan, dapat ipakita ni Gen. Bacalzo na siya ang boss, na ang utos ay ‘di dapat binabalewala.

At para tumino ang QCPD, ‘di dapat pinapayagan ni S/Supt. George Regis si ‘Col. Abalos’ na nagsisilbing ‘vice collector’ sa mga GL tulad ni Lito Motor.

Simple lang ang inyong gagawin, Gen. Bacalzo at Gen. Mantele, magtaas kayo ng boses at maggalit-galitan at hihinto si ‘Col. Abalos’ sa kanyang kalokohan. Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply