Robinsons mall sa Cebu tinupok ng apoy

KASALUKUYANG (Abril 17) tinutupok ng apoy ang Robinsons mall sa barangay Cogon Ramos sa Cebu City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Cebu, kontrolado na ang nasabing sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng mall, makaraang makarinig ng pagsabog sa bubungan ng isang boutique doon.

Napag-alaman  din  na may ilang empleyado at mga mamimili ang na-trap sa nasusunog na establisimyento.

Ilan sa mga ito ay nakalabas na at inaalam pa ng mga awtoridad kung may natira  pa sa loob.

Base sa ilang ulat, may mga nasugatan sa naturang sunog dahil nag-panic umano ang mga tao nang malaman na nasusunog ang gusali. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply