Mambabatas ‘di na umuuwi kay misis

MANIWALA kayo sa hindi na kakaiba ang natuklasan ng matang Kuwago ng Remate matapos na masaksihan nito na hindi na pala araw-araw umuuwi ang isang mambabatas sa tunay na pamilya nito kundi sa kanyang kalaguyo na naninirahan sa isang high rise at sikat na condominium sa isang mayamang Lungsod sa Kamaynilaan.

Kung bakit aksidenteng nakita ng ating matang kuwago ang naturang eksena ay dahil sa pakalat-kalat na mga katawan ng kanyang mga bodyguard sa mismong lobby at labas ng condo.

Ang nakatatawa pa, kung ano ang suot na damit kahapon ng mga body guard ni senador ay siya ring damit na suot-suot kinabukasan ng mga bodyguard nito.

Hindi lang namin alam kung alam din ni misis na bukod sa may kaluguyo ang kanyang asawa ay mayroon din itong anak dito.

Hindi lang isang beses nakita ng ating matang kuwago ang naturang mambabatas sa naturang condo kundi halos isang taon samantalang ang talagang bahay ng mambabatas ay kilalang pinagkukutaan ng mga bayani ng ating lahi.

Sa naturang condo nagdalang-tao at nanganak ang kalaguyo ng mambabatas.

Kilala ang mambabatas sa kanyang pagiging makisig at idolo niya ang kanyang ama.

Kung gusto ninyong malaman kung saan lungsod at lugar ang hideout ng mambabatas at kalaguyo niya, itanong ninyo kay Mega Star Sharon Cuneta at asawa nitong si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Ang kalaguyo pala ng mambabatas ay isang artista at beauty queen at ang lugar ng kanyang condo ay madalas puntahan ni dating Commission on Elections Chairman Benjamine Abalos.

At kung artista siya o hindi bahala na kayong humusga basta siya ay isang tunay na lalaki at hindi badap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply