Mambabatas sobrang laki ng kargada

HINDI ordinaryo kundi pambihira ang dala-dalang kargada ng isang mambabatas.

Sa impormasyong nakuha ng matang kuwago ng  Remate, nasaksihan mismo ng isa sa mga staff ng naturang mambabatas ang pagkakaroon ng malaking kargada nito.

Base sa kuwento ng staff, nang makita ng naturang mambabatas na pinag-uusapan siya ng tatlo niyang staff at nakatingin sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, lalo pa itong bumuka sa pagkakaupo para makita ng mga staff ang napakalaki niyang kargada.

Ang nakalulungkot nga lang, batay sa pahayag ng staff, nadismaya sila sa mambabatas dahil wala itong pinipinili kahit na ang edad nila ay nasa kuwarenta o singkwenta anyos ay talo-talo na.

Halos magulat nga raw ang staff sa laki ng kargada ng mambabatas at naitanong niya sa kanyang sarili kung nakatayo na kaya iyon o partidang tulog at wala pang gana?

Sa hiya ng mga staff ay tumayo na lamang ang mga ito sabay labas ng sesyon hall dahil sa kanilang pandidiri sa mambabatas sa halip na hangaan ito sa taglay na agimat.

Siguro sadyang malaki este matulis ang kanyang kargada na katulad ng isa ring mambabatas na higit pa sa lima ang anak sa labas.

Guwapo at artistahin naman ang itsura ng naturang mambabatas at kung katas din lang naman ang pag-uusapan, sobra-sobra ang katas at alindog nito katulad ni Richard Gutierrez sa papel niyang Captain Barbel.

Siguro naman alam na ninyo kung sino ang mambabatas na ito mga kapuso at kapamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply