Mambabatas taklesa na papansin pa

NAIRITA ang isang mambabatas sa kapwa niya mambabatas matapos na maistorbo at masira ang kanyang konsentrasyon  sa isinasagawang interview sa kanya ng mga miyembro ng media sa session hall.

Bunsod ito sa kadaldalan at pagpapansin ng kanyang kapwa mambabatas sa grupo ng media.

Sa labis na pagkairita, huminto sa pagpapa-interview ang mambabatas at kanyang tiningnan nang pairap ang kanyang kapwa mambabatas.

Ang naturang papansin at taklesang mambabatas ay inaayawan din ng kanyang mga staff dahil sa taglay na ‘di magandang pag-uugali nito lalo na ang pag-uugaling paninigaw sa kanyang staff kahit sa harap ng maraming tao.

Nabatid na bilin pa nga lagi ng mambabatas na ito sa kanyang Media Relation Officer (MRO) na kinakailangang ma-interview siya ng media araw-araw hindi na baleng hindi ito lumabas sa telebisyon at maging sa dyaryo.

Kilalang-kilala ang naturang mambabatas dahil sa kanyang itinutulak na adbokasiya na bagay na hindi sinasakyan ng kanyang kapwa senador.

Lahat na nga ng paraan ng pagpapansin ay ginagawa ng mambabatas matiyak lamang na maibabaling sa kanya ang mata ng mga tao, mga kapwa mambabatas at lalo ng media.

Mahilig kumain ng gulay ang mambabatas na ito kahit itanong pa ninyo sa awiting bahay kubo ay tiyak na masasagot ninyo kung sino ito.

Madaling hulaan ang ating tinutukoy. Narito ang clue: Ang pangalan ng naturang mambabatas ay may letrang L as in long life katulad ng handang pansit at spaghetti sa tuwing may birthday.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply