Managerial positions wag lang sa kalalakihan

HINIMOK ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na tiyaking maging pantay ang partisipasyon at representasyon ng kalalakihan at kababaihan sa ikatlong antas o executive/managerial level ng pamahalaan.

Lumiham kamakailan si CSC Chairman Francisco T. Duque III sa lahat ng kalihim dahil sa dominado umano ng kalalakihan ang populasyon ng executive at managers position ng gobyerno.

Nanawagan si Duque sa mga kalihim ng gabinete na ikonsidera ang pagtatalaga sa kababaihan na kuwalipikado para punan ang mga bakanteng posisyon sa ikatlong antas o executive/managerial positions sa kani-kanilang ahensiya, gayundin sa mga sangay nito.

Ipinaliwanag ng CSC na ang ikatlong level ang nagsasagawa ng mga desisyon at polisiya sa pamamaraan ng pagseserbisyo ng pamahalaan.

Alinsunod umano ang hakbang na ito sa Republic Act 9710 o sa Magna Carta of Women na nakasaad na:

“Within the next five years, the number of women in third (3rd) level positions in government shall be incrementally increased to achieve a fifty-fifty (50-50) gender balance.”

Noong Agosto 2010, ang percentage ng kababaihan na humahawak ng posisyon sa ikatlong level ay umabot na sa 41.3 porsiyento, batay na rin sa Istadistika ng Kababaihang Pilipino na isinagawa ng Philippine Commission on Women. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply