Mananaya ng Grand Lotto darami

INAASAHANG mas dadami pa ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang mananaya ng Grand Lotto 6/55 matapos na mabigo ang mga lotto afficionados na maiuwi ang P140 milyon jackpot nakaraang bola nito noong Lunes.

Walang nakahula sa kumbinasyong 38-10-49-40-09-26 na may jackpot prize na P140,531,576.40.

Sa susunod na bola bukas, Abril 27 ay inaasahang mas dadami pa ang tataya at magnanais maging milyonaryo dahil aabot na sa P145 milyo ang jackpot nito.

Hindi rin nasungkit ang Megalotto 6/45 dahil walang nakatumbok sa kumbinasyong 14-39-15-41-05 at 42.

Noong 2010, tumindi ang lotto fever dahil umabot sa mahigit sa P300 milyon ang jackpot na naiuwi diumano ng isang mananaya sa Olongapo.

Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa punong tanggapan ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply