Mancao mananatili sa proteksyon ng DOJ

HINDI muna aalisin ng Department of Justice (DOJ) sa witness protection program (WPP) si dating Police Sr Supt Cesar Mancao, isa sa mga testigo sa Dacer-Corbito double murder case.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima sa kabila ng pahayag ng Court of Appeals (CA) na hindi na ito credible witness sa nasbaing kaso.

Ayon kay De Lima, bagamat pinal na ang desisyon ng appellate court, hihintayin muna nila ang magiging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa nasabing kaso.

Iaakyat pa umano ng kampo ng mga Dacer ang kaso sa Korte Suprema, at maging ang kampo ni Mancao ay dudulog rin sa kataas-taasang hukuman upang kwestyunin ang desisyon ng CA.

Matatandaang idineklarang final and executory ng CA ang desisyon nito na nag-a-abswelto kay Sen. Panfilo Lacson sa nasabing kaso. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply