Mangingisda kritikal sa dating kaalitan

AGAW-BUHAY ngayon sa pagamutan ang isang mangingisda makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang dating kaaway nang magharap ang kanilang landas sa makipot na daan kagabi sa Barangay Sepac Alamacin, Navotas City.

Ang biktimang ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center, sanhi ng tinamong limang  malalalim na saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ay nakilalang si Rodrigo Salut y Obeya, 30, mangingisda, ng 2 Alley 4, P. Gabriel St., Sepac Almacin ng nasabing lungsod.

Ang suspek na agad namang naaresto ng mga nagrespondeng Navotas police ay nakilalang si  Alexander Mañoso y Ladrero, 36, ng North Ville 5-A Block 91, Lot 16, Sta Maria, Bulacan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Resty Castillo, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong alas-7:30 kagabi nang maganap ang insidente sa makipot na eskinita ng Gabriel Tabing Dagat ng nasabing baragay.

Ayon sa ulat, matagal nang nagkaroon ng alitan ang dalawa nang magkasama pa sa dating tirahan.

Nang maging biktima sila ng malawakang pagsunog ng mga bahay sa Navotas ay nailipat sila ng pamahalaan sa Bulacan.

Nagpasyang bumalik kagabi ang suspek sa dati nitong tirahan nang aksidenteng nagkita ang dalawa; dito agad nagbunot ng patalim ang suspek at limang ulit na pinaguundayan ng saksak ang biktima na humantong sa pagbagsak ng kanyang duguang katawan.

Mabilis namang dinala ng kamag-anakan ang biktima sa nasabing pagamutan kung saan ay nakikipaglaban pa kay Kamatayan.

Agad tinangkang takasan ng suspek ang kanyang ginawang krimen, subalit hindi na nakapalag pa sa mga nagrespong awtoridad matapos na makasalubong ito sa daan dala ang kanyang ginamit na patalim.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong frustrated murder sa piskalya ng Navotas City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply