Marcos dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani

UMAPELA ang isang kongresista sa lahat ng tumututol na mahimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos na paghilumin na ang sugat ng bansa dulot ng alitan ng dalawang prominenteng pamilya sa Pilipinas.

Sinabi ni Alagad Party-list Rep. Rodante Marcoleta na malaki ang magagawa ni Vice President Jejomar Binay upang magsilbing makabagong Achilles.

“Vice President Binay can be our modern-day Achilles, who eventually granted honorable burial to Hector, his nemesis, despite his earlier threat to offer him as prey to the vultures,” ani Marcoleta.

Binigyang diin pa ni Marcoleta na matagal ng dapat nailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.

“We should have done that a long time ago. For a nation that professes to be the only Christian country in Asia, it is an absolute hypocrisy for some people to maintain a contrary position.”

Aniya, ang matagal ng hidwaan sa pagitan ng mga Aquino at Marcos ay hindi maaaring umukit ng kapalaran o hinaharap ng Pilipinas.

Pinayuhan pa ng kongresista si Pangulong Benigno Aquino na harapin ang mas malalaking suliranin na nagbabanta sa bansa at huwag pairalin ang damdamin.

Ayon kay Marcoleta, ito ang tamang panahon na ilibing hindi lamang ang mga labi ni Marcos sa Libingan kungdi maging ang mga isyung minsan ng naging dahilan ng pagkakahati ng bansa na labis na nakaapekto sa kapasidad ng mga naging lider ng Pilipinas tungo sa hinaharap.

Binanggit pa ni Marcoleta na kahit ang mga magagaling na lider ng Asya na sina Park Chung-hee ng South Korea at Lee Kuan Yew ng Singapore ay minsan ng kumilala sa liderato ni Marcos na naging isang kongresista, senador at Presidente ng Pilipinas.

“No matter how one argues — emotionally and otherwise — Marcos is better off than the dog that was ordered a state funeral at the Libingan Ng Mga Bayani by former President Cory Aquino.”

Sinabi pa ni Marcoleta na dapat matutunan ng mga Pilipino ang kasaysayan ng ibang bansa gaya ng sa U.S. National Cemetery sa Mexico City, ay nakalibing ang may 750 sundalong Amerikano na kumubkob sa Mexican Capital noong 1847 at naagaw ng Estados Unidos ang may 40 porsiyento ng teritoryo ng Mexico. Ang mga opisyal ng Mexico ay hindi nagsidalo sa nabanggit na paglilibing subalit kanila itong pinahintulutan.

“A leader’s attention belongs on what lies ahead. History is important because it provides a perspective of the future, but we don’t live in the past,” binigyang diin pa ni Marcoleta.  Meliza Maluntag

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply