Marcos sa Hall of Heroes ng AFP, OK lang sa Palasyo

KINATIGAN ng Malakanyang ang pagkakasama ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Hall of Heroes ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang ang pangalan ni Marcos sa 39 Medal of Valor awardees na makikita sa AFP Museum.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, labas ang mga naka-display na parangal kay Marcos bilang isang sundalo sa kanyang nakaraan bilang dating Pangulo ng bansa.

“While there is public interest in the conferment of AFP awards, we should note that these awards are generally viewed as non-partisan and non-political,” pahayag pa ni Valte.

Ayon sa kasaysayan, sa liderato ni dating Pangulong Carlos Garcia ay ipinagkaloob kay Marcos ang nabanggit na Medal of Valor noong Oktubre 16, 1958.

Tumanggap din ng mga parangal si Marcos tulad ng Gold Cross Medal noong 1947, Distinguished Conduct Star noong 1948, Philippine Legion of Honor na iginawad naman ni dating Pangulong Elpidio Quirino noong 1950 at mga kaugnay na pagdakila mula naman sa administrasyon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Nananatili naman na pinagtatalunan ang isyu kung tuluyan nang papayagan na maihatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni Marcos. Ipinasa na ni Pangulong Benigno “PNOy” Aquino III ang pag-aaral sa naturang isyu kay Vice President Jejomar Binay.

Nauna nang isina-publiko ng anak ni Marcos na si Sen. Bongbong Marcos ang apela ng kanilang pamilya sa kasalukuyang liderato na payagan nang mailagak sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng kanyang ama bilang pagkilala sa pagiging matagumpay nitong sundalo ng Pilipinas. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply