Mariel ‘di na umaasang maikakasal sa Simbahan

NAGBITIW na ng salita ang aktres na si Mariel Rodriguez na hindi niya pipilitin ang kanyang mister na si Robin Padilla na magpa-convert sa pagiging Katoliko para lang maikasal sila sa Simbahan.

Ibig bang sabihin nito na hindi na rin siyang umaasang mapakasalan pa ni Robin sa Simbahan?

Ito ay makaraang muling ikansela ng dalawa ang kanilang kasal sa simbahan na nakatakda sana sa Hunyo.

May kinalaman sa kanilang desisyon ang pahayag ni retired Archbishop Oscar Cruz na hindi maaaring magpakasal sa simbahan ang mag-asawa dahil Muslim si Robin.

Ibinulgar pa ni Mariel na pinadalhan pa sila ni Cruz ng mga dokumento ukol sa batas ng simbahang Katoliko.

Hindi rin naman umano nababahala ang pamilya ni Mariel kung hindi mapakasalan sa Simbahan ni Robin ang aktres basta ang mahalaga ay masaya umano si Mariel sa piling ng kanyang mister.

Ikinasal na sina Mariel at Robin noong nakaraang taon sa India sa pamamagitan ng Muslim wedding. Girlie Raoet

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply